Saturday, June 2, 2007

Tulad Mo Rin Ako*

Isa akong tao na tulad mo rin
Gumagala sa kalawakan ng sanlibutan
Tulad mo rin akong lumalanghap ng hangin
Para maiahon ang buhay
Sinikap kong ituwid ang landas kong bali-baliko
Natuto akong mangarap na maging isa
Sa mga kapuri-puring mamamayan

Ngunit ako’y nabihag sa isang bitag
Na ako rin ang may gawa
Tanga na ba ako
Sa nagawa kong hindi sinasadya?
Nasaan na ba kayo nang ako
Ay huminhingi ng tulong?
Bakit ba ang taong hindi ko kanais-nais
Ay siyang hulog ng kapalaran
Na umaasang ako ay makatayo
Sa aking sariling mga paa?
Subalit ako ay hindi na ang nooy ako
Iba na ang daloy ng aking buhay
Ang dating ordinaryong inumin
Ay ngayo’y serbesang masarap na…

*Ang tulang ito ay hindi tapos. Naisulat ko ito sa mga oras na ako ay nagtatanong sa aking sarili kung ano ang silbi ko sa mundong makasalanan.

7 comments:

Akocabbyzambrano said...

brad mejo bitin ang mga nakatala eh

pen said...
This comment has been removed by the author.
pen said...

ang tao hindi kailan man mananatili sa iisang lugar na kanyang kinatatayuan. pilitin nya man ay hindi niya matatalo ang lakas ng agos ng panahon at kumpas ng oras na dumaraan. tila isang malaking alon na dadalhin ka paroo't parito sa dalampasigan ng buhay.

subalit tao man ay may sariling kakayahin din.. kakayahang manipulahin ang landas na kanyang tatahakin.. itinakdang siya ang taga guhit ng kapalaran sa kanyang talampakan patungo sa kinabukasang sa kanya'y nag-aabang...

PADAYON!

Cyrus said...

OO nga Pen! Ang galing mo Pen. Salamat.

rawitdawit said...

patuloy!

Sisa Miraw said...

salikodngmgaakda.blogspot.com

kelvin s.m. said...

...i like your style... really nice..