Thursday, May 31, 2007

Ako ay Isang _________

Ang buhay talaga Oo.
Naiinis ba ako o nalilito?!
Kay saklap intindihin ang mga pangyayari.
Tama! Ikaw naman ay hindi bingi di ba?!
Noon pa may ganito na talaga ako.
Ni kahit isa,
Wala naman akong itinatago.
Ikaw na nga ang maghusga.
Mapaayos ko man o sa pananalita.
Dapat mo bang sabihin sa buong madla?
Na ako ay isang _________?

Ikaw, Ako at Siya

Ako ay nalilito sa mundong aking ginagalawan.
Wari’y hindi ako makahinga sa kasikipan ng mundo.
Tila’y mga mata nila’y nakatutok sa akin.
Ang bawat galaw ko’y madiin kong pinagmamasid dahil sa ayaw kong mapagkamalan.
Sarili ko nga’y ki ko pa kabisado.
Sino nga ba ako?
Ako ba’y siya o ikaw?
Noon pa may ako’y di mapakali sa aking katauhan.
Kailan nga ba ako’y di mapakali sa aking katauhan?
Kailan nga ba ako’y isinilang at kailan nga ba ako’y natutong mag-isip?
Akala ko nga’y ikaw ay ako at siya. Bukas ba’y ako ay ako parin?
O bukas ba’y ako ay siya o ikaw?