Dahil Sa'yo*
Ayaw kong pagdudahan,
Ang bulong nitong aking puso.
Na sa bawat pintig ng aking damdamin,
Nadarama ko ang tunay na kaligayahan.
Ayaw kong isiping ako'y isang manhid,
Na noon pa ma'y bigo ako sa Pag-ibig.
Sa bawat kilos ko'y ipinapahiwatig,
Ang pagsibol ng tamis ng nakabaon kong Pag-ibig.
Takot ako, dahil sa ayaw kong masaktan muli.
Ayaw kong paglaruan na parang isang timang.
Na ngayo'y mahal ka at bukas mahal nya'y iba na.
Iiwan ka lamang pagkatapos kang pagsawaan.
Masakit ang maging biktima ng pag-ibig.
Pero ang puso ko ngayo'y sumisigaw,
"HUWAG mong pigilan ang sinasabi ng iyong damdamin.
Iyan ay Pag-ibig na syang tunay mong kaligayahan".
Puso ko'y hindi sinungaling na ibigin ka.
Masasaktan man ako sa piling mo,
Titiisin ko ang mga pagsubok na syang panimula lamang,
Na susundan ng mabungang sarap ng kaligayahan.
*Ang tulang ito ay nailathala sa Silahis VOL. X No. 2, opisyal na publication ng MSU-Iligan Institute of Technology, noong December 2003.
No comments:
Post a Comment