Isang Sulyap
Tinatahak ko ang kahabaan ng Quezon Avenue isang hapon. Unti-unti nang nawawala ang sikat ng araw kung kaya't dumidilim na ang paligid. Huminto ako sa kanto ng Jolibee. Di ko rin alam ang dahilan kung bakit gusto kong pumuwesto sa bandang iyon. Gusto ko lang siguro magmasid sa mga taong dumadaan doon. Nasisiyahan kasi akong panuorin ang mga ibat-ibang hugis ng kanilang mga mukha.
Mga ilang sandali ang nakalipas, may isang tao ang napasulyap sa akin. Kay lagkit ng mga mata nito na nakatutok sa akin. Isang sulyap na parang nangungusap sa akin ng "Hi? May hinihintay ka ba? Sino ba ang kasama mo? Pwede bang makisabay?". Binati ko rin ang mga mensahing iyon. Sabi nga ng mga mata ko sa kanya, "Saan ba ang punta mo? Ako nga lang mag-isa dito. Eksakto! La pa naman akong kasama maghapunan." Ngunit isang taong estranghero na hindi ko kilala ang nasa harapan ko ngayon. Di ko rin nga alam kung ano ang pakay ng taong ito sa akin. Baka, isa itong serial killer.
Biglang naumid ang aking mga labi. Ayaw kong magsalita. Nagpapatuloy sa paglakad ang binatilyong di nalalayo ang edad sa beinte anyos. Bitbit nito ang isang di-kalakihang aklat. "Ah, estudyante siguro.", naisip ko.
Sampung metrong layo nang huminto ang lalaki. Lumingon ito at pinako ang tingin sa akin ng mga limang segundo kahit nasa malayo. Naririnig ko ang malakas na sigaw ng mga mata ng lalaki. "Bakit nandiyan ka pa? Ayaw mo bang sumama sa akin? Halika ka na!" Iyon ang nagbabasa ko sa kanya.
Hindi mapakali ang aking isipan. Isang malaking palaisipan ito para sa akin. Panay tulak ng aking isipan at damdamin, "Sige na, sundan mo na! Ano pa ba ang hinihintay mo?!".
"Para saan ba? Manlilibre ka ba ng hapunan?", napabuntong-hininga ako ng malalim.
Pilyong isip talaga.

No comments:
Post a Comment