Saturday, June 2, 2007

Tulad Mo Rin Ako*

Isa akong tao na tulad mo rin
Gumagala sa kalawakan ng sanlibutan
Tulad mo rin akong lumalanghap ng hangin
Para maiahon ang buhay
Sinikap kong ituwid ang landas kong bali-baliko
Natuto akong mangarap na maging isa
Sa mga kapuri-puring mamamayan

Ngunit ako’y nabihag sa isang bitag
Na ako rin ang may gawa
Tanga na ba ako
Sa nagawa kong hindi sinasadya?
Nasaan na ba kayo nang ako
Ay huminhingi ng tulong?
Bakit ba ang taong hindi ko kanais-nais
Ay siyang hulog ng kapalaran
Na umaasang ako ay makatayo
Sa aking sariling mga paa?
Subalit ako ay hindi na ang nooy ako
Iba na ang daloy ng aking buhay
Ang dating ordinaryong inumin
Ay ngayo’y serbesang masarap na…

*Ang tulang ito ay hindi tapos. Naisulat ko ito sa mga oras na ako ay nagtatanong sa aking sarili kung ano ang silbi ko sa mundong makasalanan.

Sa Piling ng Ina*

SANAY NA SI EMMANUEL sa ikot ng kanyang buhay. Lumaki siyang mahirap lamang sa pag-aaruga at pangangaral ng kanyang naging pangalawang ama. May tatlong taong gulang siya nang nangulila sa kanyang ama. Kawawang bata. Hindi niya man lang nakapiling at naranasan ang pagmamahal ng isang tunay na ama. Ayon nga sa kanyang ina, “Manuel, huwag ka nang mangarap ng gising! Matagal nang patay sa sabaw ang tatay mo. Hindi man lang kayo naalala kailan man.”. Masakit ang mga linyang iyon na paulit-ulit na binabanggit ng ina. Ayaw niyang paniwalaan ang lahat ng ito hangga’t hindi niya mararanasan at masasaksihan mismo ang buong katotohanan.

Isang magandang pagkakataon ang dumating sa buhay ni Emmanuel nang siya ay nagtapos ng elementarya. Sumulat ang kanyang ama na kung pwedeng magbakasyon muna siya doon kahit panandali lamang. Matagal-tagal na rin niyang hindi nakapiling ang ama kung kaya napag-isipan niyang pumuyag sa hinihingi nito. Limang taon na rin siyang nananabik sa pagmamahal na kanyang matagal nang inaasam-asam na matitikman sa kanyang buhay. Hindi naman tutol ang kanyang ina basta hindi niya lang pagsisisihan ang kanyang mga maging desisyon.

Masipag at masayang pinaghandaan ni Emmanuel ang pakikipagkita sa ama sa unang pagkakataon. Ngunit hindi niya inaasahan ang kanyang biglang pagkakatakot. Paano kung totoo ang lahat ng sinabi ng kanyang ina? Paano kung ayaw na siyang payagang bumalik sa kanyang ina? Hindi na siya puwedeng makakaatras pa. Isang kilometrong layo na lang ang kanilang tatahakin kasama ng kanyang lolo. Kailangan bang talunin ang kanyang damdamin ng kanyang isipan? Natatakot lamang siya sa mga pangyayaring magaganap sa iisang tahanan ng ama kasama ang asawa at mga anak nito. Kailangan ba niyang magpapatalo paginaapi-api na lamang siya ng mga ito? Aba! Siya ay hindi makakapayag. Iyan ay hindi pwedeng mangyayari.

Habang tinatahak nina Emmanuel at ng kanyang lolo ang daang patungong bahay na maging bahay niya na rin, nakikita ng kanyang mga mata ang dalawang taong nag-uusap sa di kalayoan. Bumilis ang pagtahip ng kanyang dibdib. Damang-dama niya ang pagkakatakot. Tumayo ang isang lalaki at sumalubong ito sa kanila na may dalang makahulugang ngiti. At isang mahigpit na yakap ang iginawad sa kanya. Hindi niya man lang alam kung ano ang kanyang tunay na nararamdaman. Ito nga ba ang kanyang matagal ng hinahanap at mararanasan sa kanyang buhay?

Ngunit HINDI! Gustong magsisisi si Emmanuel subalit kailangan niyang subukan ang isang pagkakataon. Hindi siya naging masaya kundi isang malupit na mga karanasan ang kanyang natamo sa piling ng ama. Bawat galaw niya ay kontrolado ng ama. Wala na raw siyang nagawang tama. Kung kaya’y tinatanong niya ang kanyang sarili, Ano nga ba ang tama? Ano nga ba ang dapat? Kahit man lang normal na pag-uusap sa ama ay hindi niya magawa. Mabait naman ang pagtrato sa kanya ng kanyang madrasta. Hindi pa rin nagbabago ang kanyang ama sa pagiging lasinggero nito, at sa pagiging isang mapangahas na asawa. Nananakit par rin ito, ngunit wala namang magawa ang asawa. Nasanay na rin ang asawa sa mga pananakit dito.

Hindi nagustuhan ni Emmanuel ang mga pamamaraan sa buhay ng kanyang ama. Gusto niya itong pagsabihan subalit natatakot siyang masaktan lamang. Kailan ma’y hindi niya pinangarap na magkaroon ng ganitong klasing ama. Gusto niyang takasan ang mapait na sinapit ng kanyang buhay. Matalino niyang inayos ang kanyang mga importanting gamit isang araw ng linggo. Hindi siya mapakali sa kanyang bawat galaw dahil sa kanyang plano pero ito lang ang maging epektibong solusyon. Tatlong taon na rin siyang nagtitiis sa kamay ng kanyang malupit na ama.

Kinabukasan, suo’t ni Emmanuel ang kanyang puting polo at kaking pantalon. Ang bawat kutsara ng kanin ay hindi niya man lang maisubok sa bibig sa lubos ng pagkatakot. Ito ang araw ng kanyang pag-alis. Ngunit binabawi ng kanyang isipan ang kanyang plano. Ayaw niya na sanang gawin ito kaso narinig niyang magagamit ang perang pinapahawakan sa kanya ng ama, kaya ito ang nagtulak sa kanya na ipagpatuloy na lamang ang plano. Hindi niya inubos ang kanyang pagkain at sa pusa ito nauwi. Habang nagwawalis ang kanyang madrasta sa bakuran, at inaasikaso naman ng kanyang ama ang maliit na taniman ng tubo, dahan-dahan niya namang kinapa ang isang sobreng itinago niya sa kanilang maliit na tindahan. Hindi niya man lang tiningnan ang kinuhang sobre na sa kanyang pagkakaalam iyon na ang perang pinaghandaan niya.

“Ta, papasok na po ako.” Ang magalang na pamamaalam ni Emmanuel habang yakap-yakap ang school bag na laman nito’y mga damit. Pumayag naman ito at dahan-dahan siyang lumakad. Nang sa kanyang paglingon sa pinanggalingan na medyo malayo na, mabilis siyang tumakbo para maiwasan sa mga mata ang tahanan.

Naging maluwag ang kanyang paghinga habang naglalakbay patungo sa kanyang pinakakamahal na ina na sabik na siyang makita ito. Sa tulong ng Diyos, siya’y ginabayan sa kanyang pag-uwi. Kahit matagal ng hindi niya kabisado ang pauwi, narating niya rin ang patutunguhan hanggang sa kinatok niya ang isang bahay. Isang babaing puno ng kalungkutan sa mukha ang nagbukas ng pinto. Isang matamis na ngiti ang lumabas sa labi nito. Masayang nagyakapan ang mag-ina. Sa mga mukha nito’y batid ang kasiyahan at pananabik ng bawat isa. Ang mga luhang simbolo ng pagtitiis ang hindi mapigilang malalag sa mga mata nila. Sa piling ng kanyang ina’y batid ang kasiyahan ng kanyang buhay. Dito siya maligaya at maging matagumpay sa buhay.

*Lumabas sa opisyal na publikasyon ng School of Computer Studies ng MSU - Iligan, The Motherboard, Volume 01.

Friday, June 1, 2007

Si Undo

Aniaa na pod si Undo.
Kaanindot sa iyang barog.
Tan-awa ra god, gikan sa ulo padulong sa iyang mga tiil.
Unsa bay tindog sa usa ka ulitawo!
Ulitawo na gyod si Undo!

Aroy Undo! Asa na sad ka paingon?
Imong inahan nag-ingon, dili magpalabi.
Kanang si Inday ayaw og pasagdi.
Kay kun madigrasya, ikaw gyod ang responsable.
Pagbantay-bantay gyod Undo.

Asa na pod ka?
Bestfriend na sad na?!
Kagahapon si Juan, karon na sad si Pedro?
Aw, wala koy gihisgot nga dautan.
Atimana sad imong kaugalingon dong.

Hala nangita si Inday.
Asa na sad diay ka nilakaw?
Murag nag-abusar na sad ka sa imong kaugalingon.
Lawas ray puhonan dong, busa pahulay sad.
Nganong kabuntagon na sad ka makadumdum?

Isang Sulyap

Tinatahak ko ang kahabaan ng Quezon Avenue isang hapon. Unti-unti nang nawawala ang sikat ng araw kung kaya't dumidilim na ang paligid. Huminto ako sa kanto ng Jolibee. Di ko rin alam ang dahilan kung bakit gusto kong pumuwesto sa bandang iyon. Gusto ko lang siguro magmasid sa mga taong dumadaan doon. Nasisiyahan kasi akong panuorin ang mga ibat-ibang hugis ng kanilang mga mukha.

Mga ilang sandali ang nakalipas, may isang tao ang napasulyap sa akin. Kay lagkit ng mga mata nito na nakatutok sa akin. Isang sulyap na parang nangungusap sa akin ng "Hi? May hinihintay ka ba? Sino ba ang kasama mo? Pwede bang makisabay?". Binati ko rin ang mga mensahing iyon. Sabi nga ng mga mata ko sa kanya, "Saan ba ang punta mo? Ako nga lang mag-isa dito. Eksakto! La pa naman akong kasama maghapunan." Ngunit isang taong estranghero na hindi ko kilala ang nasa harapan ko ngayon. Di ko rin nga alam kung ano ang pakay ng taong ito sa akin. Baka, isa itong serial killer.

Biglang naumid ang aking mga labi. Ayaw kong magsalita. Nagpapatuloy sa paglakad ang binatilyong di nalalayo ang edad sa beinte anyos. Bitbit nito ang isang di-kalakihang aklat. "Ah, estudyante siguro.", naisip ko.

Sampung metrong layo nang huminto ang lalaki. Lumingon ito at pinako ang tingin sa akin ng mga limang segundo kahit nasa malayo. Naririnig ko ang malakas na sigaw ng mga mata ng lalaki. "Bakit nandiyan ka pa? Ayaw mo bang sumama sa akin? Halika ka na!" Iyon ang nagbabasa ko sa kanya.

Hindi mapakali ang aking isipan. Isang malaking palaisipan ito para sa akin. Panay tulak ng aking isipan at damdamin, "Sige na, sundan mo na! Ano pa ba ang hinihintay mo?!".

"Para saan ba? Manlilibre ka ba ng hapunan?", napabuntong-hininga ako ng malalim.

Pilyong isip talaga.

Shot sa Para Igat

Daw Kaanindot sa kinabuhi nga wala kay problema. Sama sa matag-gabii nga anaa ka sa Abu Caltex (ilimnanan) nga nagpabugnaw. Pagkalami gayod sa kabugnaw sa Red Horse nga gi-apilan pa gyod og ice cubes. Sa duha ka bulan nga gisaw-an ang matag-adlaw nga kalipay sa kinabuhi. Klasi-klase nga kalingawan ang akong gi-entrahan. Adunay mga barkada nga gusto manglaag sa mga dagat nga maputi ang balas. Kalami sa kinabuhi nga wala kay paga-hunahunaon. Kaon, laag og inom lang ang imong paga-atimanon. Og ang kapait karon, panahon na usab sa ting-eskwela. Human na ang duha ka bulan nga pagpangalipay. Og karon hinapos na sa bulan sa Mayo. Enrolment na usab. Busa, sa dili pa ta mobiya aning atong mga pagpangalipay, shot sa! Para Igat!

Ang Gugma Nga Adunay Tumong

Unsa man ang Gugma sa imong pagkahibalo?
Ang Gugma ba nga aduna kay gusto sa usa ka tawo
O ang Gugma nga wala ka nahibalo nga kalit lang nga imong matagamtaman?
Kalibog ba gud sa gugma kung unsa man gyod kini nga butang.
Ang butang sa kalibutan nga walay kahanturan
O ang butang nga kalit lang mahanaw sa pagkahuman sa tanan.
Makaingon ba kag ikaw nahigugma?
Nahigugma sa bag-o lang nimo nga higala?
Apan, tagamtami lang una ang imong kasing-kasing...
Niingon ba syag, "Mao na kini ang Gugma."
Kanus-a ba kag makakaplag nga mao na kana ang tinood nga Gugma?
Paminawa usa ang imong kaugalingon og kasing-kasing.
Sa oras nga magkasinabot na sila,
Usa pa ka mo-ingon, "Mao na kini! Og busa nahigugma ako kanimo!"
Nahiguma ako kanimo.

Ang Buhay*

MABILIS na nag-uunahan ang di-kalakihang mga alon sa dalampasigan na animo'y mga batang batid ang kasiyahang nakaguhit sa mga mukha nito. Patuloy ding nawawala ang kasikatan ng araw na tila'y nahihiyang dilag sa isang manliligaw. Kasabay ng mga naglulundagang puting buhangin ang masayahing hangin doon sa kahabaan ng aplaya.

Sa isang sulok na may mayabong na punong mangga, na hindi gaanong malayo sa paanan ng dagat, doon ay masayang nagkukuwentuhan ang magkasintahan. Nagkukurutan sa mga nakakatawang nakaraan. Magmula ng mga musmos pa lamang ang mga ito, hanggang sa ngayo'y binata't dalagang pinagtagpo ng tadhana na damang-dama sa mga puso ang yaong pag-ibig. Kung minsan, ayaw nilang isipin ang mga pangyayaring hindi nila dapat inaasahan. Masarap kasama ang isat-isa. Ang pag-ibig nga pala, oo.

Mahirap isiping iyon lamang ang kanilang mga nakaraan. Doon sila'y nagkamali. Sisikapin man nilang ibalik ang mga pusong noo'y lubos na nagmamahal na ngayo'y naiwaksi ng malupit na tadhana, at ngayo'y isang kaibigan na lamang ang pagtingin nila sa bawat-isa. Mahal nga ang bawat-isa, subalit ito'y pagmamahal na lang para sa isang matalik na kaibigan. At isang paglimot lamang ang maging isang solusyon at mamumulat sa panibagong panimula. Ang mga luhang puno ng alaala ay hindi mapipigilang malaglag sa mga mata na puno ng panghihinayang.

Ang buhay nga pala'y hawak ng tadhana. Huhubugin mo man ay siyang naiwawaglit din ng hindi inaasahang masamang panahon na nahihintulad sa isang sa isang daloy ng ilog na walang tamang patutunguhan. Ika nga nila'y ang buhay ay isang awit na kung minsa'y hatid nito ang kasiyahan at kung minsan nama'y hatid din nito ang kalungkutan. Iyan ang buhay ng tao! Ang buhay na punong-puno ng kahulugan.

*Ang prosang ito ay nailathala sa Silahis VOL. X No. 3, opisyal na publication ng MSU-Iligan Institute of Technology, noong January 2004.

Dahil Sa'yo*

Ayaw kong pagdudahan,
Ang bulong nitong aking puso.
Na sa bawat pintig ng aking damdamin,
Nadarama ko ang tunay na kaligayahan.

Ayaw kong isiping ako'y isang manhid,
Na noon pa ma'y bigo ako sa Pag-ibig.
Sa bawat kilos ko'y ipinapahiwatig,
Ang pagsibol ng tamis ng nakabaon kong Pag-ibig.

Takot ako, dahil sa ayaw kong masaktan muli.
Ayaw kong paglaruan na parang isang timang.
Na ngayo'y mahal ka at bukas mahal nya'y iba na.
Iiwan ka lamang pagkatapos kang pagsawaan.

Masakit ang maging biktima ng pag-ibig.
Pero ang puso ko ngayo'y sumisigaw,
"HUWAG mong pigilan ang sinasabi ng iyong damdamin.
Iyan ay Pag-ibig na syang tunay mong kaligayahan".

Puso ko'y hindi sinungaling na ibigin ka.
Masasaktan man ako sa piling mo,
Titiisin ko ang mga pagsubok na syang panimula lamang,
Na susundan ng mabungang sarap ng kaligayahan.

*Ang tulang ito ay nailathala sa Silahis VOL. X No. 2, opisyal na publication ng MSU-Iligan Institute of Technology, noong December 2003.

Galaw ng Buhay

Ang tadhana nga pala ay mapagbiro,
Na sa buhay ng tao, ito ay nakasalalay.
Akalain mo man, ikaw ang humuhubog,
Ngunit ang lahat ng ito'y sadyang kapalaran.

Ang bukas mo ay mapag-alinlangan.
Tatahakin mo man, ikaw pa rin ay maliligaw,
Sa landas na puno ng palaisipan,
Kaya ikaw ay mag-ingat sa iyong patutunguhan.

Ang bawat galaw mo sa mundong ito,
Iyong linawin at alamin kung bakit,
Dahil ang isang pagkakamali
Ay siyang laging pagsisisi sa huli.

Gumising naman tayo sa mundong makasalanan.
Huwag naman tayong magbulag-bulagan.
Tao kapwa tao ay dapat na magtutulungan,
Sa drama ng buhay na ating sinasakyan.