Galaw ng Buhay
Ang tadhana nga pala ay mapagbiro,
Na sa buhay ng tao, ito ay nakasalalay.
Akalain mo man, ikaw ang humuhubog,
Ngunit ang lahat ng ito'y sadyang kapalaran.
Ang bukas mo ay mapag-alinlangan.
Tatahakin mo man, ikaw pa rin ay maliligaw,
Sa landas na puno ng palaisipan,
Kaya ikaw ay mag-ingat sa iyong patutunguhan.
Ang bawat galaw mo sa mundong ito,
Iyong linawin at alamin kung bakit,
Dahil ang isang pagkakamali
Ay siyang laging pagsisisi sa huli.
Gumising naman tayo sa mundong makasalanan.
Huwag naman tayong magbulag-bulagan.
Tao kapwa tao ay dapat na magtutulungan,
Sa drama ng buhay na ating sinasakyan.
No comments:
Post a Comment