SANAY NA SI EMMANUEL sa ikot ng kanyang buhay. Lumaki siyang mahirap lamang sa pag-aaruga at pangangaral ng kanyang naging pangalawang ama. May tatlong taong gulang siya nang nangulila sa kanyang ama. Kawawang bata. Hindi niya man lang nakapiling at naranasan ang pagmamahal ng isang tunay na ama. Ayon nga sa kanyang ina, “Manuel, huwag ka nang mangarap ng gising! Matagal nang patay sa sabaw ang tatay mo. Hindi man lang kayo naalala kailan man.”. Masakit ang mga linyang iyon na paulit-ulit na binabanggit ng ina. Ayaw niyang paniwalaan ang lahat ng ito hangga’t hindi niya mararanasan at masasaksihan mismo ang buong katotohanan.
Isang magandang pagkakataon ang dumating sa buhay ni Emmanuel nang siya ay nagtapos ng elementarya. Sumulat ang kanyang ama na kung pwedeng magbakasyon muna siya doon kahit panandali lamang. Matagal-tagal na rin niyang hindi nakapiling ang ama kung kaya napag-isipan niyang pumuyag sa hinihingi nito. Limang taon na rin siyang nananabik sa pagmamahal na kanyang matagal nang inaasam-asam na matitikman sa kanyang buhay. Hindi naman tutol ang kanyang ina basta hindi niya lang pagsisisihan ang kanyang mga maging desisyon.
Masipag at masayang pinaghandaan ni Emmanuel ang pakikipagkita sa ama sa unang pagkakataon. Ngunit hindi niya inaasahan ang kanyang biglang pagkakatakot. Paano kung totoo ang lahat ng sinabi ng kanyang ina? Paano kung ayaw na siyang payagang bumalik sa kanyang ina? Hindi na siya puwedeng makakaatras pa. Isang kilometrong layo na lang ang kanilang tatahakin kasama ng kanyang lolo. Kailangan bang talunin ang kanyang damdamin ng kanyang isipan? Natatakot lamang siya sa mga pangyayaring magaganap sa iisang tahanan ng ama kasama ang asawa at mga anak nito. Kailangan ba niyang magpapatalo paginaapi-api na lamang siya ng mga ito? Aba! Siya ay hindi makakapayag. Iyan ay hindi pwedeng mangyayari.
Habang tinatahak nina Emmanuel at ng kanyang lolo ang daang patungong bahay na maging bahay niya na rin, nakikita ng kanyang mga mata ang dalawang taong nag-uusap sa di kalayoan. Bumilis ang pagtahip ng kanyang dibdib. Damang-dama niya ang pagkakatakot. Tumayo ang isang lalaki at sumalubong ito sa kanila na may dalang makahulugang ngiti. At isang mahigpit na yakap ang iginawad sa kanya. Hindi niya man lang alam kung ano ang kanyang tunay na nararamdaman. Ito nga ba ang kanyang matagal ng hinahanap at mararanasan sa kanyang buhay?
Ngunit HINDI! Gustong magsisisi si Emmanuel subalit kailangan niyang subukan ang isang pagkakataon. Hindi siya naging masaya kundi isang malupit na mga karanasan ang kanyang natamo sa piling ng ama. Bawat galaw niya ay kontrolado ng ama. Wala na raw siyang nagawang tama. Kung kaya’y tinatanong niya ang kanyang sarili, Ano nga ba ang tama? Ano nga ba ang dapat? Kahit man lang normal na pag-uusap sa ama ay hindi niya magawa. Mabait naman ang pagtrato sa kanya ng kanyang madrasta. Hindi pa rin nagbabago ang kanyang ama sa pagiging lasinggero nito, at sa pagiging isang mapangahas na asawa. Nananakit par rin ito, ngunit wala namang magawa ang asawa. Nasanay na rin ang asawa sa mga pananakit dito.
Hindi nagustuhan ni Emmanuel ang mga pamamaraan sa buhay ng kanyang ama. Gusto niya itong pagsabihan subalit natatakot siyang masaktan lamang. Kailan ma’y hindi niya pinangarap na magkaroon ng ganitong klasing ama. Gusto niyang takasan ang mapait na sinapit ng kanyang buhay. Matalino niyang inayos ang kanyang mga importanting gamit isang araw ng linggo. Hindi siya mapakali sa kanyang bawat galaw dahil sa kanyang plano pero ito lang ang maging epektibong solusyon. Tatlong taon na rin siyang nagtitiis sa kamay ng kanyang malupit na ama.
Kinabukasan, suo’t ni Emmanuel ang kanyang puting polo at kaking pantalon. Ang bawat kutsara ng kanin ay hindi niya man lang maisubok sa bibig sa lubos ng pagkatakot. Ito ang araw ng kanyang pag-alis. Ngunit binabawi ng kanyang isipan ang kanyang plano. Ayaw niya na sanang gawin ito kaso narinig niyang magagamit ang perang pinapahawakan sa kanya ng ama, kaya ito ang nagtulak sa kanya na ipagpatuloy na lamang ang plano. Hindi niya inubos ang kanyang pagkain at sa pusa ito nauwi. Habang nagwawalis ang kanyang madrasta sa bakuran, at inaasikaso naman ng kanyang ama ang maliit na taniman ng tubo, dahan-dahan niya namang kinapa ang isang sobreng itinago niya sa kanilang maliit na tindahan. Hindi niya man lang tiningnan ang kinuhang sobre na sa kanyang pagkakaalam iyon na ang perang pinaghandaan niya.
“Ta, papasok na po ako.” Ang magalang na pamamaalam ni Emmanuel habang yakap-yakap ang school bag na laman nito’y mga damit. Pumayag naman ito at dahan-dahan siyang lumakad. Nang sa kanyang paglingon sa pinanggalingan na medyo malayo na, mabilis siyang tumakbo para maiwasan sa mga mata ang tahanan.
Naging maluwag ang kanyang paghinga habang naglalakbay patungo sa kanyang pinakakamahal na ina na sabik na siyang makita ito. Sa tulong ng Diyos, siya’y ginabayan sa kanyang pag-uwi. Kahit matagal ng hindi niya kabisado ang pauwi, narating niya rin ang patutunguhan hanggang sa kinatok niya ang isang bahay. Isang babaing puno ng kalungkutan sa mukha ang nagbukas ng pinto. Isang matamis na ngiti ang lumabas sa labi nito. Masayang nagyakapan ang mag-ina. Sa mga mukha nito’y batid ang kasiyahan at pananabik ng bawat isa. Ang mga luhang simbolo ng pagtitiis ang hindi mapigilang malalag sa mga mata nila. Sa piling ng kanyang ina’y batid ang kasiyahan ng kanyang buhay. Dito siya maligaya at maging matagumpay sa buhay.
*Lumabas sa opisyal na publikasyon ng School of Computer Studies ng MSU - Iligan, The Motherboard, Volume 01.