Thursday, May 31, 2007

Ikaw, Ako at Siya

Ako ay nalilito sa mundong aking ginagalawan.
Wari’y hindi ako makahinga sa kasikipan ng mundo.
Tila’y mga mata nila’y nakatutok sa akin.
Ang bawat galaw ko’y madiin kong pinagmamasid dahil sa ayaw kong mapagkamalan.
Sarili ko nga’y ki ko pa kabisado.
Sino nga ba ako?
Ako ba’y siya o ikaw?
Noon pa may ako’y di mapakali sa aking katauhan.
Kailan nga ba ako’y di mapakali sa aking katauhan?
Kailan nga ba ako’y isinilang at kailan nga ba ako’y natutong mag-isip?
Akala ko nga’y ikaw ay ako at siya. Bukas ba’y ako ay ako parin?
O bukas ba’y ako ay siya o ikaw?

1 comment:

mms_1011 said...

siya, ikaw at ako..

ako, ikaw at siya

ikaw, ako at siya,

ikaw, siya at ako..

basta un na un Sir..hehe. ^^,